Ayon sa Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma, opisyal na sinimulan kamakailan ang gawain ng pagbalangkas ng plano ng pag-unlad ng Tsina mula 2016 hanggang 2020 (Ika-13 Panlimahang-Taong Plano). Isiniwalat ni Xu Lin, Puno ng Departamento ng Pag-unlad at Pagpaplano ng naturang komisyon, na kung paanong hahawakan nang mainam ang relasyon ng pamahalaan at pamilihan ay siyang magiging pokus sa proseso ng pagbalangkas.
Ayon sa naturang opisyal, sa nasabing panlimahang-taong plano, isasaalang-alang nang mas malaki ang pagpapatingkad ng bentahe ng baybaying-dagat sa dakong silangan ng bansa.
Salin: Li Feng