Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aklat hinggil sa mga may kapansanan, inilunsad

(GMT+08:00) 2014-04-24 19:13:45       CRI

AKLAT HINGGIL SA MGA MAY KAPANSANAN INILUNSAD.  Binati ni Ellen Tordesillas ng Vera Files ang lahat ng tumulong sa pagbuo ng The Right to Vote, isang aklat hinggil sa mga may kapansanan na nakaboto noong 2013.  (Melo M. Acuna) 

ISANG malaking okasyon para sa mga Filipinong may kapansanan ang naganap kahapon sa paglulunsad ng aklat na The Right to Vote: Filipinos with Disabilities and the 2013 Elections na naglalaman ng kaukulang hakbang na ginawa ng pamahalaan at lipunan upang makalahok sa halalan.

Ayon kay Dr. Steven Rood, Country Director ng The Asia Foundation, malaking bagay para sa mga may kapansanang makalahok sa halalan sa pagboto ng kanilang mga napupusuang mga kandidato.

Pinamunuan ng VERA Files, ang aklat na may 173 pahina ang nagsusuri sa mga nakamtang biyaya at nasabat na suliranin ng Commission on Elections at ang Inter-Agency at NGO Network on Empowerment of PWDs at ng kampanyang "Fully Abled Nation" campaign upang makalahok ang karamihan ng mga bulag, pipi, bingi, at pilay sa halalan.

Inilathala ng The Asia Foundation at suportado rin ng pamahalaan ng Australia, ay akda nina Artha Kira Paredes, Lala Ordones, Avigail Olarte at Maribel Buenaobra. Naging mga patnugot sina Luz Rimban at Yvonne T. Chua.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>