Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong Statistician, hinirang

(GMT+08:00) 2014-04-24 19:14:59       CRI

BINATI NI KALIHIM BALISACAN ANG BAGONG PINUNO NG PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY.  Makikita sa larawan si Bb, Lisa Grace Bersales (kanan) matapos manumpa kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa NEDA sa Pasig noong Martes, ika-22 ng Abril, 2014.  (NEDA Photo)


MAY bagong hirang na National Statistician at pinuno ng Philippine Statistics Authority. Siya si Lisa Grace S. Bersales, dating pangalawang pangulo para sa planning at finance ng University of the Philippines at Dekana ng UP Diliman School of Statistics.

Nanumpa si Bb. Bersales kay Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan kamakalawa sa NEDA Central Office sa Pasig City. Hinirang siya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang posisyon noong nakalipas na Lunes, ika-21 ng Abril.

Nanungkulan si Bb. Bersales sa UP mula noong ika-10 ng Pebrero, 2011. Isang kasapi ng mga propesor ng UP ng may 30 taon, siya ay naging director ng graduate studies samantalang dekana ng School of Statistics mula noong dekada nobenta.

Nagtapos siya sa kolehiyo bilang cum laude noong 1978 at nagkamit ng B. S. Statistics degree. Nagtapos ng kanyang Masteral Studies in Statistics noong 1981 at PhD sa larangan ng Statistics noong 1989 sa University of the Philippines.

Ang kanyang mga nalathalang gawa at pananaliksik ay sa paggamit ng statistical analysis sa mga usaping may kinalaman sa social development, agriculture at economy. Nakasama na rin siya sa mga proyekto ng National Statistics Office na ngayo'y saklaw na ng PSA, Department of Social Welfare and Development at Education.

Kabilang sa kanyang mga gawain bilang National Statistician ay ang pagpapatakbo at pangangasiwa sa general administration ng PSA, magmungkahi ng mga kautusan at kalakaran, at iba pang mahahalagang obligasyon.

Nabuo ang PSA sa pamamagitan ng Republic Act 10625 noong ika-12 ng Setyembre 2013. Pinagsama-sama ang mga tanggapang tulad ng National Statistics Office, National Statistical Coordination Board (NSCB), ang Bureau of Agricultural Statistics (BAS) ng Department of Agriculture at ang Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES) ng Department of Labor and Employment.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>