Sa kanyang talumpati sa 2014 World Travel and tourism Council Global Summit na binuksan kahapon sa Sanya, Lalawigang Hainan, Tsina, sinabi ni Shao Qiwei, Direktor ng Kawanihang Panturista ng Estado ng Tsina na 150 bansa't rehiyon sa daigdig ang nagiging destinasyon ng mga turistang Tsino.
Sinabi ni Shao na na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang industriyang panturismo ng Tsina. Naisakatuparan na aniya ng Tsina ang kanyang pangko sa larangang ito habang lumahok ito sa WTO, at kasalukuyang naitatag ang mekanismo ng kooperasyong panturista sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at Tsina at Unyong Europeo.
Sinabi niyang pabibilisin ng Tsina ang pagbuo ng sistemang panturista para mapasulong ang pamilihang panturismo.