Ipinatalastas kahapon ng White House ng Estados Unidos(E.U.) na sa darating na Hunyo, bibisita si Pangulong Barack Obama ng mga bansang Europeo at dadalo ng G7 Summit.
Ayon sa ulat, bibisitahin ni Obama ang Poland, Belgium at Pransya at makikipagtagpo sa lider ng Poland sa Warsaw. Mula ika-4 hanggang ika-5 ng Hunyo, dadalo si Obama ng G7 Summit na idaraos sa Brussels para patuloy na talakayin ang kalagayan ng Ukraine. Tapos, dadalo din si Obama sa mga aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng paglusob sa Normandy noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig o D-DAY.