Ipinalatastas ni Pangulong Hamid Karzai ng Afghanistan na ang ika-4 ng Mayo ay Pambansang Araw ng Pagdadalamhati para sa mga apektadong mamamayan at kasuwalti sa kalamidad ng landslide na naganap kamakalawa sa lalawigang Badakshan.
Kinumpirma kahapon ni Shah Waliullah Adeeb, Gobernador ng nasabing lalawigan, na halos 300 sa 2100 kataong nawawala ang nasawi sa nabanggit na kalamidad.
Bukod dito, gumuho ang halos 300 pabahay. Sinabi ni Shah Waliullah Adeeb na dahil nabaon sa bato at putik ang nasabing lugar, itinigil na ng pamahalaan ang paghahanap sa mga nawawala at gagamitin ang lugar na pinangyarihan bilang libingan para sa naturang mga nasawi at nawawala.