Sa Astana, Kazakhstan — Idinaos kahapon ang ika-47 taunang pulong ng Konseho ng Asian Development Bank (ADB). Sa naturang pulong, ipinahayag ni Takehiko Nakao, Puno ng ADB, na sa loob ng darating na 10 taon, lubusang papawiin ng Asya ang absolute poverty population.
Sa kasalukuyan, mahigit 700 milyong populasyon sa Asya ang namumuhay sa ilalim ng absolute poverty line na 1.25 dolyare kada araw, dagdag ni Nakao. Ang bilang na ito aniya ay katumbas ng 60% ng kabuuang bilang ng mahirap na populasyon sa buong daigdig.
Salin: Li Feng