|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa ika-4 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA) na idaraos sa Shanghai, tatalakayin ang isyu ng seguridad, kasalukuyang pinakamahalagang isyu sa Asya.
Sinabi ni Cheng na sa kasalukuyan, dumarami sa Asya ang mga di-tradisyonal na banta sa seguridad na gaya ng terorismo, seperatismo, at ekstrimismo. Aniya, sa kalagayang ito, ang pangangalaga sa kapayapaan, at paggarantiya sa seguridad ay naging pangkagipitang isyu na kinakaharap ng iba't ibang bansang Asyano. Umaasa aniya siyang makakapagdulot ang kasalukuyang summit ng mahalagang epekto sa pangangalaga sa katiwasayan at katatagan ng Asya, at pagtatatag ng kayariang panseguridad ng kontinente.
Dagdag pa ni Cheng, mula taong ito hanggang 2016, ang Tsina ay magiging bansang tagapangulo ng CICA. Aniya, sa terminong ito, ipapatupad ng Tsina ang mga hakbangin hinggil sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan, pagpapataas ng lebel ng mekanismo ng CICA, at pagpapatingkad sa papel ng CICA, kaugnay ng pangangalaga sa seguridad ng Asya, at pagpapalawak ng rehiyonal na kooperasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |