Kaugnay ng pagdakip ng Pilipinas ng mga mangingisdang Tsino, malapit sa Banyue Reef sa South China Sea, muling ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ilegal at imbalido ang anumang aksyon ng panig Pilipino sa mga mangingisdang Tsino. Aniya, inilalaan ng Tsina ang karapatang gumawa ng ibayo pang hakbangin kaugnay ng insidenteng ito.
Inulit din ni Hua na di-mapapabulaanan ang soberanya ng Tsina sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Banyue Reef. Dagdag niya, muling hinihiniling ng Tsina sa Pilipinas na agarang palayain nang walang pasubali ang nadakip na mga mangingisda at bapor pangisda, igarantiya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayang Tsino, at iwasan ang muling pagkaganap ng ganitong insidente.