Sa isang preskong idinaos ngayong araw kaugnay ng Ika-4 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA) na idaraos sa Shanghai mula ika-20 hanggang ika-21 ng buwang ito, ipinahayag ni Cheng Guoping, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na magsisikap ang kanyang bansa, kasama ng iba't ibang panig, para buong husay na idaos ang nasabing summit.
Isinalaysay ni Cheng na hanggang sa kasalukuyan, kumpirmadong lalahok sa nabanggit na summit ang mga lider, namamahalang tauhan, o kinatawan mula sa 46 na bansa at organisasyong pandaigdig. Aniya pa, sa panahon ng summit, makikipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider at namamahalang tauhan ng ilang kalahok na bansa at organisasyong pandaigdig.