Sinimulang suspendihin mula kahapon ng mga travel agency ng Tsina ang kanilang mga biyahe patungo sa Biyetnam.
Ipinahayag ng Ctrip Tourism, pinakamalaking online travel agency ng Tsina, na sinimulan na nito ang pagbabalik ng pera sa mga turistang Tsino na nakatakdang maglakbay sa Biyetnam. Dagdag pa ng Ctrip, sinimulan na rin nilang payuhan ang mga turistang Tsino na huwag munang magbiyahe sa Biyetnam.
Sinuspinde na rin ng iba pang travel agency na gaya ng China International Travel Service (CITS) at Caissa Travel ang mga katulad na bihaye.