|
||||||||
|
||
Working group ng Tsina, naglalakbay-suri sa isang apektaong bahay-kalakal
Mula kamakalawa hanggang kahapon, pumunta ang trans-department working group ng Pamahalaang Tsino sa Ho Chi Min City at probinsyang Binh Duong sa katimugan ng Biyetnam para maglakbay-suri sa kalagayan ng mga bahay-kalakal ng Tsina na apektado ng marahas na insidente kamakailan. Nakipagtalakayan din ang grupong ito sa mga kinatawan ng mga nasabing bahay-kalakal, para magpahayag ng pakikiramay sa kanila at alamin ang kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina kahapon, nakipagtalastasan ang naturang grupo sa joint working group ng panig Biyetnam na pinamumunuan ng Pangalawang Tagapangulo ng Komisyon ng Sambayanan ng probinsyang Binh Duong na si Tran Van Nam.
Ipinahayag ni Tran Van Nam na tiyak na parurusahan ng pamahalaang panlalawigan ng Binh Duong ang mga may-kagagawan. Isasagawa rin aniya ang lahat ng kinakailangang hakbangin para maigarantiya ang seguridad ng mga bahay-kalakal at tauhang Tsino.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |