Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Burador na resolusyon hinggil sa paghaharap ng isyu ng Syria sa ICC, hindi napagtibay sa UNSC

(GMT+08:00) 2014-05-23 14:32:28       CRI
Dahil sa pagbeto ng Tsina at Rusya, hindi napagtibay kahapon sa UN Security Council ang isang burador na resolusyon hinggil sa paghaharap ng isyu ng Syria sa International Criminal Court (ICC).

Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na tinututulan din ng kanyang bansa ang anumang aksyon ng paglabag sa pandaigdig na batas at paglapastangan sa karapatang pantao sa sagupaan ng Syria. Pero aniya, sa kasalukuyang kalagayan, ang paghaharap ng isyu ng Syria sa ICC ay hindi makakabuti sa pagtatatag ng pagtitiwalaan ng iba't ibang panig ng Syria, hindi makakatulong sa pagpapanumbalik ng ikatlong round ng pandaigdig na talastasan sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria, at makakapinsala rin sa pagsisikap ng komunidad ng daigdig para malutas ang naturang isyu sa paraang pulitikal.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>