|
||||||||
|
||
Sa Pilipinas — Ipinahayag kamakalawa ni Nguyen Tan Dung, dumadalaw na Punong Ministro ng Biyetnam, na lubos ang pagkabahala ng Biyetnam at Pilipinas sa maraming aksyon ng panig Tsino na lumalabag sa pandaigdigang batas at nagdudulot ng kasalukuyang maigting na situwasyon. Ipinasiya ng dalawang panig na tutulan ang naturang mga aksyon ng panig Tsino, at manawagan sa iba pang bansa at komunidad ng daigdig na patuloy na kondenahin ang panig Tsino.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na sapul noong ika-2 ng buwang ito, sustenable, ilegal, at puwersahang hinahadlangan ng panig Biyetnam ang normal na aksyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa karagatan na nasa ilalim ng pamamahala ng Tsina. Ito aniya ay grabeng lumalapastangan sa soberanya, at karapatan ng pamamahala ng panig Tsino. Nagdulot din ito ng grabeng epekto sa kalayaan ng paglalayag at kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, dagdag pa niya.
Paulit-ulit na hinihiling ng panig Tsino sa panig Biyetnames na agarang itigil ang paghadlang nito sa mga bahay-kalakal ng Tsina, at iurong ang mga bapor nito, ani Hong.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |