Sinabi dito sa Beijing ngayong araw ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang paglutas sa isyu ng South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng direktang talastasan sa mga may-kinalamang bansa. Hindi dapat magduda ang anumang bansa sa determinasyon at kusang-loob ng Tsina sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng naturang karagatan, ani Liu.
Winika ito ni Liu sa kanyang pagdalo nang araw ring iyon sa "Limang Simulain ng Mapayapang Pakikipamuhayan at Pag-unlad ng Pandaigdigang Batas — Pandaigdigang Simposyum Bilang Paggunita sa Ika-60 Anibersaryo ng Limang Simulain ng Mapayapang Pakikipamuhayan."
Salin: Li Feng