Inulit kahapon sa Beijing ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Xisha Islands ay likas na teritoryo ng kanyang bansa, at walang pagtatalo hinggil dito.
Kaugnay naman ng paglubog kamakalawa sa karagatan ng Xisha Islands ng isang bapor pangisda ng Biyetnam matapos bumangga sa isang bapor pangisda ng Tsina, sinabi rin ni Qin na ipinakikita ng insidenteng ito na walang saysay ang panggugulo ng Biyetnam sa normal na gawain ng panig Tsino sa Xisha Islands, at nasira nito, sa bandang huli, ang mismong interes ng panig Biyetnames.
Salin: Liu Kai