Sa kanyang pakikipag-usap kahapon ng hapon sa Beijing kay dumadalaw na Ministrong Pandepensa Hishammudin Tun Hussein ng Malaysia, ipinahayag ni Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina ang pag-asang ipagpapatuloy ng Malaysia, kasama ng mga may-kinalamang panig ang paghahanap at pag-iimbestiga sa nawawalang eroplanong pampasahero ng Malaysia Airline.
Sinabi rin ni Fan na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para ibayo pang pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang hukbo sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pagpapasulong ng komprehensibong partnership ng Tsina at Malaysia, kundi maging sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon.
Sinabi naman ni Hishammuddin na positibo ang Malaysia sa pagtatatag ng mas matibay na pakikipagtulungan sa Tsina. Aniya, pumasok na sa bagong yugto ang paghahanap sa nawawalang eroplanong pampasahero ng Malaysia Airline, at umaasa siyang pahihigpitin ang pagtutulungan at pagpapalitan sa Tsina at ibang mga may-kinalamang panig sa usaping ito.