Ayon sa balita mula sa Embahada ng Tsina sa Singapore, ipinalabas kamakailan ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore ang isang ulat na nagpapakita na noong unang kuwarter ng taong ito, ang rate ng paglaki ng kabuhayan ng Singapore ay umabot sa 4.9% na mas malaki kumpara sa bilang nito noong nakaraang taon. Pero, ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa tinatayang bilang na 5.1%.
Ipinalalagay ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore na sa taong ito, lalaki ang kabuhayan ng Singapore sa isang matatag na kabilisan. Tinataya nilang ang bilis ng paglaki ng kabuhayan ay aabot sa 2% hanggang sa 4%.
Salin:Sarah