Kaugnay ng pagpapatalastas ng panig Amerikano na pahahabain ang panahon ng pagtatagala ng tropa nito sa Afghanistan, at iuurong ang lahat ng tropa mula sa naturang bansa sa taong 2016, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtatalaga ng panig Amerikano ng tropa sa Afghanistan ay dapat makabuti sa mapayapang rekonstruksyon ng bansang ito, at sa kapayapaan, katatagan, at kaligtasan ng rehiyong ito.
Tungkol sa isyu ng Afghanistan, sinabi ng tagapagsalitang Tsino na sa mula't mula pa'y naninindigan ang panig Tsino na dapat igalang ang soberanya, seguridad, at kabuuan ng teritoryo ng nasabing bansa.
Salin: Li Feng