|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap kahapon ng hapon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa insidente ng pagkawala ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Ipinahayag ni Najib ang malalim na pakikisimpatiya at taos-pusong pakikiramay sa mga mamamayang Tsino, partikular na sa mga kamag-anakan ng mga pasahero ng naturang eroplano. Nakahanda aniya ang Malaysia na palakasin ang pakikipagtulungan sa panig Tsino at iba't-ibang may-kinalamang panig, at patuloy at buong sikap na isasagawa ang gawain ng paghahanap at pag-iimbestiga sa susunod na yugto.
Sinabi naman ng Premyer Tsino na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang proseso ng pag-iimbestiga at paghawak sa naturang insidente. Umaasa aniya siyang mapapatingkad nang mainam ng panig Malay ang papel nito, at babalangkasin ang bagong plano ng paghahanap sa lalong madaling panahon, at mataimtim na isasagawa ang kinauukulang pag-iimbestiga sa insidenteng ito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |