|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
ANG nasibak sa tungkuling Gobernador ng Laguna, Emilio Ramon "ER" Ejercito ay umalis na sa kapitolyo probinsyal matapos siyang kumbinsihin ng kanyang tiyuhing si dating Pangulo at ngayo'y Punonglungsod ng Maynila Joseph Estrada.
Sinabi ng dating gobernador na para sa kapayapaan at katahimikan ng lalawigan, kinumbinse siya ng kanyang tiyuhin na pansamantalang bumaba sa puwesto maiwasan lamang ang gulo at makaiwas sa pagkakasakitan.
Idinagdag ni G. Ejercito na maghihintay umano siya ng ika-17 ng Hunyo sa pag-asang makakakuha ng status quo order. Niyakap ni Ejercito ang kanyang tiyuhing si G. Joseph Estrada bago sila bumaba sa tanghalan at sabay na umalis sa provincial capitol grounds.
Nagtungo si G. Estrada sa kapitolyo kaninang umaga at nakipag-usap ng masinsinan kay Ejercito. Matapos ang 20 minuto, nagsalita sila sa harap ng mga tagasunod ni Gobernador Ejercito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng dating pangulo sa kanyang pamangkin na bumaba na sa puwesto upang maiwasan ang anumang kaguluhan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |