Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia.
Ipinahayag ni Xi na nitong 40 taong nakalipas sapul nang itatag ng Tsina at Malaysia ang relasyong diplomatiko, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Binigyang-diin niyang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang mapagkaibigang relasyon sa Malaysia, at itinuturing ang Malaysia bilang mapagtitiwalaang kaibigan at mahalagang katuwang na pangkooperasyon. Umaasa rin si Xi na patuloy na makakapagsikap ang Tsina at Malaysia, para walang humpay na mapalalim ang kanilang komprehensibo at estratehikong partnership.
Sinabi naman ni Najib na nakahanda ang Malaysia, kasama ng Tsina, na palalimin ang pagtitiwalaan at walang humpay na pasulungin ang kanilang relasyon. Umaasa rin aniya ang Malaysia na ibayo pang mapapalawak ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan nila ng Tsina, at mapapalakas ang pagpapalitang pangkultura at pagtutulungang pandepensa ng dalawang bansa.