Ayon sa ulat ng local media ng Malaysia, ipinahayag ng Investment Development Authority ng Malaysia na sa susunod na 20 taon, mabilis na lalaki ang pangangailangan ng eroplano ng rehiyong Asya-Pasipiko. Bilang tugon, pinabilis ng Malaysia ang pagpapaunlad ng aviation industry.
Para maging mahalagang bahagi ng aviation and aerospace industry ng rehiyong Asya-Pasipiko, sinimulang ipalabas noong 2010 ng pamahalaang Malaysian ang serye ng hakbanging preperensyal gaya ng pagbabawas ng buwis sa mga bahay-kalakal na namumuhunan sa nasabing industriya.