|
||||||||
|
||
NANINIWALA si NEDA Director General at Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan maglalaro ang inflation rate ng bansa sa taong 2014 ay naaayon sa target na mula 3.0 hanggang 5.0 huwag lang magkakaroon ng mga magaganap na makayayanig sa ekonomiya.
Ito ay magaganap kahit tumaas ang headline inflation sa 4.5% noong Mayo 2014 dahilan sa pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente at petrolyo.
Ipinaliwanag niya na ang pambalanse sa inflation outlook ay tila patungo sa pagtaas.
Ang potensyal na pagtaas ng presyo ng pagkain ay magmumula sa sama ng panahon tulad ng posibilidad ng napipintong El Niño, pagbaba ng halaga ng piso at ang pagtaas ng pasahe at sahod.
Kung ihahambing ang headline inflation para sa panahong mula unang araw ng Enero hanggang ngayon, nananatili ito sa 4.1% at pasok pa rin sa inflation target ng Development Budget Coordination Committee na nasa pag-itan ng 3.0 hanggang 5.0% sa buong 2014.
Ang inflation sa food subgroup ay tumaas sa 7.1% noong Mayo mula sa 6.5% noong Abril sapagkat halos lahat ng mga pagkain ay kinatagpuan ng pagtaas ng presyo kung ihahambing halaga noong 2013. Nakita ang pagtaas ng presyo sa bigas, karne, isda, gatas, keso at itlog. Tumaas rin ang presyo ng langis at mantika, prutas. gulay, asukal at iba pang pagkain.
Sa mais, tumaas ang inflation rate dahilan sa mas mababang produksyon sa ibang rehiyon lalo na sa Calabarzon at Silangang Kabisayaan dahilan sa tagtuyot at pamiminsala ng mga daga.
Ayon kay Kalihim Balisacan, tumaas ang domestic demand para sa asukal. Ang mataas ng presyo ng iba pang domestic food products ay dahilan na rin sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |