Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore ngayong araw, tinukoy ng Emirates Airline, gumagamit ng pinakamalaking bilang ng Boeing777, na dapat maging mas malinaw ang imbestigasyon sa insidente ng Flight MH370 ng Malaysia Airlines, at dapat ding lubos na imbestigahan ng may-kinalamang awtoridad ang sanhi ng pagkawala ng naturang eroplano.
Ipinahayag kamakailan ni Hishammuddin Hussein, nanunuparang Ministro ng Komunikasyon ng Malaysia, na patuloy na magpopokus sa South Indian Ocean ang gawain ng paghahanap ng MH370, at lalawak ang saklaw ng paghahanap.
Salin: Li Feng