|
||||||||
|
||
Sa Kunming, Tsina — Binuksan ngayong araw ang Ika-12 ASEAN Chinese Business Association (ACBA). Nagtipun-tipon dito ang halos 400 mangangalakal na Tsino mula sa mahigit 20 bansang dayuhan para talakayin ang kooperasyon.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Li Jiheng, Gobernador ng Lalawigang Yunnan ng Tsina, na sa pagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Yunnan at mga bansang ASEAN, may espesyal na bentahe ang mga mangangalakal na Tsino sa ibayong dagat. Umaasa siyang sasamantalahin ng mga mangangalakal na Tsino ang plataporma ng ACBA at magandang pagkakataon para pasukin ang mas marami at mainam na ideyang pangkaunlaran at sulong na teknolohiya sa Yunnan, dagdag pa niya.
Sinabi naman ni Ren Qiliang, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Overseas Chinese, na sa kalagayang walang humpay na lumalakas ang estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, ang pagpapataas sa antas ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay nagiging obdiyektibo at pragmatikong pangangailangan para sa pagsasakatuparan ng "win-win situation" sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |