Kamakailan, dalawang beses na inihatid ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, kay Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang diplomatic note kung saan inilakip ang dokumentong nagbibigay-linawag sa insidente ng panghaharas ng Biyetnam sa oil drilling ng bahay-kalakal na Tsino sa karagatan ng Xisha Islands.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Propesor Zhou Yongsheng, ekspertong Tsino sa mga suliraning pandaigdig, na ang naturang aksyon ng panig Tsino ay bilang tugon sa pagharap ng reklamo ng Biyetnam sa UN kaugnay ng nabanggit na isyu. Ito aniya ay hindi palatandaan sa pagbabago ng pagtutol ng Tsina sa pagsasadaigdig ng isyu ng South China Sea.
Dagdag pa ni Zhou, walang pagtatalo sa soberanya ng rehiyong pandagat kung saan isinasagawa ng bahay-kalakal na Tsino ang oil drilling, kaya ang naturang pangyayari ay hindi kabilang sa pinagtatalunang isyu ng South China Sea.
Salin: Liu Kai