Sa panahon ng isang pulong na idinaos kamakailan sa Kunming, Tsina, hinggil sa kooperasyon ng mga kompanya ng lohistika sa Greater Mekong Subregion (GMS), itinatag ng mga kompanya mula sa Tsina, Thailand, Laos, Kambodya, Malaysia, at Myanmar ang isang samahang nagtatampok sa kooperasyon sa negosyo ng lohistika.
Nilagdaan din ng mga kompanya mula sa Tsina, Thailand, at Laos ang kasunduan para mapalakas ang transnayonal na kooperasyon sa negosyo ng lohistika.
Kaugnay nito, ipinahayag ng isang ekspertong Tsino mula sa industriya ng lohistika, na ang naturang kooperasyon ng mga kompanya ay makakabuti sa pagpapaunlad ng integrasyon ng sistema ng lohistika sa rehiyong ito. Ito aniya ay hindi lamang pangangailangang dulot ng pag-unlad ng kabuhayan, kundi komong hangarin din ng mga kompanya ng lohistika.
Salin: Liu Kai