Sa kanyang talumpati kahapon sa ika-24 na pulong ng mga signatoryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na idinaos sa New York, pinakli ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang walang-katwirang pagbatikos ng Pilipinas at Biyetnam sa Tsina sa isyu ng South China Sea.
Tinukoy ni Wang na ang pinag-uugatan ng pagtatalo ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea ay ilegal na pagsakop ng Pilipinas sa ilang isla ng Tsina sa karagatang ito. Pero aniya, iniharap ng Pilipinas ang arbitrasyon na naglalayong maging lehitimo ang pagsakop at mga probokatibong aksyon nito, at kunin ang simpatiya at suporta ng komunidad ng daigdig. Ito aniya ay esensya ng pinagtatalunang isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
Kaugnay naman ng panghaharas ng Biyetnam sa oil drilling ng bahay-kalakal na Tsino sa karagatan ng Xisha Islands sa South China Sea, sinabi ni Wang na ang Xisha Islands ay likas na teritoryo ng Tsina at bago ang taong 1974, kinilala naman ng Biyetnam ang katotohanang ito. Pero aniya, tinalikuran ngayon ng Biyetnam ang pangako nito at nagharap ng angkin sa Xisha Islands. Ito aniya ay aksyong walang kredito.