|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas kahapon si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ng isang pahayag bilang pagbati sa ika-2 round ng botohan ng halalang pampanguluhan ng Afghanistan.
Anang pahayag, ang malawakang paglahok ng mga mamamayang Afghani sa botohan ay muling nagpapakita ng kanilang pangakong itatag ang bansa, at tanggihan ang karahasan. Binigyang-diin ni Ban na may responsibilidad ang organong elektoral ng bansang ito na patas, maliwanag, at agarang isagawa ang estadistika sa halalang ito.
Idinaos kahapon ng Afghanistan ang ika-2 round ng botohan ng halalang pampanguluhan. Ayon sa pagtaya, lalabas ang resulta ng botohang ito sa unang dako ng susunod na buwan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |