|
||||||||
|
||
Sa Zhang Ye, probinsyang Gansu ng Tsina — Ipinalabas ngayong araw ng mga kinatawan mula sa 19 na bansa't rehiyon na gaya ng Rusya, Ukraine, Malaysia, at Tsina, ang deklarasyon tungkol sa kooperasyong panturismo.
Idinaos dito nang araw ring iyon ang Ika-4 na Kapistahan ng Pandaigdigang Turismo na dinaluhan ng 2 pandaigdigang organisasyon ng turismo, mga diplomata mula sa 25 bansa't rehiyon sa Tsina, ilang daang foreign travel agency, at foreign media.
Ipinahayag ni Shao Qiwei, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa naturang mga bansa't rehiyon para ibayo pang mapalakas ang kooperasyong panturismo ng iba't-ibang panig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |