Pagkaraan ng pag-aaproba ng Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina, magkakahiwalay na binitay kahapon ng ilang lokal na hukuman sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ang 13 salarin ng 7 kaso ng teroristikong pag-atake.
Ayon sa mga hukuman ng mga kaso, inatake ng naturang mga salarin ang mga istasyon ng pulis, gusali ng pamahalaan, at imprastrukturang pampubliko. Nagdulot sila ng malaking kasuwalti sa mga pulis, opisyal ng pamahalaan, at sibilyan. Grabe rin nilang nasira ang seguridad na pampubliko.
Salin: Liu Kai