|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang aktuwal na bolyum ng pamumuhunan ng ASEAN sa Tsina mula Enero hanggang Mayo ng taong ito ay umabot lamang sa 2.54 bilyong dolyares. Ito ay bumaba ng 22.3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2013.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang pagbaba ng bolyum ng pamumuhunan ay nagmula sa pagbabago ng base ng mga proyekto ng pamumuhunan.
Binigyang-diin niya na pansamantala lamang ang pagbabago ng pamumuhunan ng ASEAN sa Tsina, at ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig ay hindi naapektuhan ng mga hidwaan ng Tsina at mga karatig na bansa.
Naniniwala aniya siyang mananatiling mabilis ang pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig sa kalakalan at pamumuhunan.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |