Ipinahayag kamakailan ni Mari Elka Pangestu, Ministro ng Turismo ng Indonesia na mula noong Enero hanggang Abril, lumampas sa 324 na libo ang bilang ng mga turistang Tsino sa Indonesia. Ito ay mas malaki ng 30% kumpara sa gayonding panahon ng tinalikdang taon at katumbas din ng 11% ng mga turistang dayuhan sa bansang ito,noong unang 4 na buwan. Ang Tsina aniya'y pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa kanyang bansa.
Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, tumataas ang bilang ng mga turistang Tsino sa Indonesia. Umabot ito sa 680 libo noong 2012, at 750 libo naman noong 2013.