Patuloy kahapon ang mainitang sagupaan sa pagitan ng security forces at sandatahang lakas na kontra-gobyerno ng Iraq.
Ayon kay Qassim Atta, military spokesman ng punong ministro ng Iraq, naglunsad nang araw ring iyon ng pananalakay ang sandatahang lakas na kontra-gobyerno sa pinakamalaking oil refinery ng bansa na nasa lalawigang Salah-ad-Din. Pero aniya, ipinagtanggol ng security forces ang pabrikang ito.
Sinabi rin ni Atta na sa sagupaan sa ilan pang lugar, napatay ng security forces ang 40 miyembro ng sandatahang lakas na kontra-gobyerno.
Salin: Liu Kai