Sinabi kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pagpapahigpit ng Tsina at Greece sa pagpapalitang kultural ay makakabuti sa pagpapasulong ng komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina, kasama ng Greece, na buong sikap at patuloy na pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Winika ito ni Li sa seremonya ng pagbubukas ng Herakleion Museum. Sinabi ni Li na narating ng Tsina at Greece ang mga kasunduang pangkooperasyon para mapalawak ang espasyo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, at kultura.
Dumalo rin sa nasabing seremonya si Punong Ministro Antonis Samaras ng Greece. Sinabi niya na ang kultura ay isang matatag na tsanel para sa pagpapalitan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang makakapagtulungan sila ng Tsina, para ibayo pang mapalawak ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.