Magkahiwalay na idinaos kahapon ng Lila Pilipina, samahan ng Filipino comfort women, at GABRIELA o General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action, ang mga protesta sa harapan ng embahada ng Hapon sa Pilipinas at Malacanyan.
Ipinahayag ni Rechilda Extremadura, Executive Director ng Lila Pilipina, na ang isyu ng comfort women ay dapat sanang nalagay sa agenda ng ginawang pag-uusap nina Pangulong Benigno Aquino III at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, pero walang ito. Aniya, ang pamimilit ng tropang Hapones sa mga babae ng mga bansang Asyano na maging "comfort women" noong World War II ay katotohanan, at hinihiling ng mga nabiktimang Pilipina sa pamahalaang Hapones na bukas na humingi ng paumanhin hinggil sa isyung ito at magbigay ng kompensasyon.
Pinuna rin ni Pangkalahatang Kalihim Joms Salvador ng GABRIELA si Aquino sa hindi pagbanggit sa isyu ng comfort women sa kanyang pagdalaw sa Hapon. Dagdag pa niya, lalo pang mali ang pagpapahayag ni Aquino ng pagkatig sa muling pagsasagawa ng Hapon ng military expansionism at militarism.
Salin: Liu Kai