|
||||||||
|
||
Sa Taibei Taoyuan — Idinaos kahapon ng hapon nina Zhang Zhijun, Puno ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, at Wang Yu-chi, Taiwan's Mainland Affairs Chief, ang ikalawang pormal na pag-uusap.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na ang naturang pag-uusap ay isang mahalagang hakbang para sa pagsasakatuparan ng pagiging normal ng mekanismo ng pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa pagitan ng tanggapang ito at Mainland Affairs Council (MAC). Ito aniya ay may mahalagang katuturan para sa pagpapasulong ng lebel ng pagpapalitan ng magkabilang pampang, at patuloy na pagpapasulong ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang.
Patuloy aniyang palalalimin ng dalawang panig ang kooperasyong pangkabuhayan ng magkabilang pampang at pasusulungin ang proseso ng talastasan tungkol sa Economic Cooperation Framework Agreement (ECFA). Walang humpay na palalawakin din ng dalawang panig ang kanilang komong kapakanan at magsisikap para malawakang makinabang ang mga mamamayan ng magkabilang pampang sa bungang matatamo sa kanilang kooperasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |