Nang kapanayamin ng Xinhua News Agency, sinabi kahapon sa Bangkok ng Pangalawang Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, na bago ang kudeta, ang walang tigil na demonstrasyon at madalas na pagkaganap ng marahas na insidente sa Bangkok ay talagang nakadulot ng isyung panseguridad. Ngunit kasunod ng paglutas ng panig militar sa naturang mga demonstrasyon, napanumbalik sa normal ang kaayusan ng bansang ito at patuloy na sumusulong ang kabuhayan nito.
Aniya, para sa mga dayuhang turista, ang pagpapanumbalik ng katahimikan sa bansa ay palatandaang wala na ngayong panganib sa seguridad.
Salin: Li Feng