Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magkasanib na Pahayag ng Tsina't Timog Korea, ipinalabas

(GMT+08:00) 2014-07-04 09:38:07       CRI

SEOUL, Timog Korea—Sa panahon ng idinaraos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nagpalabas kahapon ang Tsina at Timog Korea ng isang Magkasanib na Pahayag.

Anang pahayag, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Timog Korea noong 1992, kinakitaan na ang relasyon ng dalawang bansa ng malaking pag-unlad sa iba't ibang larangan. Sa kasalukuyan, patungo ang dalawang bansa sa direksyon kung saan mapapayaman pa ang kanilang estratehikong partnership na pangkooperasyon.

Inulit din ng dalawang bansa ang kanilang pagtutol sa pagdedebelop ng sandatang nuklear sa Korean Peninsula. Anila, ang pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Peninsula ay angkop sa interes ng lahat ng panig ng Six-Party Talks, at kailangang patuloy na magtalastasan ang anim na panig para malutas ang isyung nuklear ng Peninsula.

Muling ipinagdiinan din ng Tsina na iisa lang ang Tsina at ang Taiwan ay hindi maihihiwalay na bahagi ng Tsina. Ipinahayag naman ng Timog Korea ang pagkaunawa, paggalang at suporta sa nasabing paninindigan ng Tsina.

Sinimulan kahapon ni Pangulong Xi ang kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Timog Korea. Noong 2013, dumalaw naman sa Tsina si Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>