Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas maraming kagamitan, ipapadala ng Malaysia sa paghahanap sa MH370

(GMT+08:00) 2014-07-07 10:42:43       CRI

KUALA LUMPUR, Malaysia—Ipinahayag kahapon ni Hishammuddin Hussein, Ministro ng Tanggulang-bansa ng Malaysia na ipapadala ng kanyang bansa ang mas maraming kagamitan para sa paghahanap sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Nakatakdang i-deploy ang mga kagamitan sa lugar ng paghahanap sa kalagitnaan ng darating na Agosto.

Idinagdag pa ng Ministrong Malay na kabilang sa mga ipapadalang kagamitan ay ang KD Mutiara, sasakyan ng Hukbong Pandagat ng Malaysia na may kapabilidad ng multi-beam echo sounder; at ang deep towed side scan sonar na ibibigay ng Boustead Heavy Industries ng Malaysia at iXBlue Australia.

Noong ika-26 ng nagdaang Hunyo, ipinahayag ng Australia ang bagong lugar ng paghahanap sa nawawalang MH370.

Ang bagong lugar na may saklaw na humigit-kumulang 60 libong kilometro kuwadrado, ay matatagpuan sa timog ng pook kung saan nagsagawa ng misyon ng paghahanap ang mini-submarine Bluefin-21.

Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.

Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>