Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(updated) Tsina, ginunita ang ika-77 anibersaryo ng pakikibaka laban sa pananalakay ng militarismo ng Hapon

(GMT+08:00) 2014-07-07 14:35:40       CRI

Idinaos ngayong umaga ng Tsina ang seremonya bilang paggunita sa ika-77 anibersaryo ng pagsisimula ng walong-taong pakikibaka laban sa pananalakay ng militarismo ng Hapon. Bumigkas ng talumpati sa seremonya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Tinukoy ni Xi na ang layunin ng pagdaraos ng seremonya ay para gunitain ang kasaysayan, maalaala ang mga martir, pahalagahan ang kapayapaan, maging mapagmatyag sa hinaharap, buong tatag na ipagpatuloy ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad at buong-tatag na pangalagaan ang kapayapaang pandaigdig.

Ipinagdiinan ni Xi na ang kasaysayan ay ang pinakamabuting teksbuk. Nakakintal aniya sa kaisipan ng mga Tsino ang pagdurusa na dulot ng digmaan. Dahil dito, walang humpay, ani xi, ang pananangan at paghahangad sa kapayapaan ng mga mamamayang Tsino. Umaasa aniya ang Tsina, kasama ang iba pang bansa ng daigdig, na patuloy na igigiit ng lahat ang landas ng mapayapang pag-unlad.

Idinagdag pa ng Pangulong Tsino na ikinalulungkot niyang mayroon pang mangilan-ngilang tao sa daigdig na gustong baguhin o pagandahin ang kasaysayan ng pananalakay. Hinding hindi aniya ito mapapahintulutan ng mga mamamayang Tsino at iba pang mamamayan ng daigdig na nagpapahalaga sa kapayapaan.

Sa seremonya, pinasinayaan din ni Pangulong Xi, kasama ang mga kinatawan ng mga beterano at kabataan, ang isang eskultura bilang paggunita sa pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa mga mapanalakay na Hapones.

Idinaos ang seremonya sa Museo ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hapon.

Pitumpu't pitong (77) taon ang nakakaraan, sa Lugou Bridge o Marco Polo Bridge, sinalakay ng hukbong Hapones ang Wanping, fortress town ng Beijing. Itinuring ito bilang pagsisimula ng walong taong pakikibaka ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng militarismo ng Hapon.

Ayon sa datos, sa walong taong pananalakay ng Hapon, kalahati ng Tsina ang niyurakan ng mga mapanalakay na Hapones; 930 siyudad ang sinakop; 42 milyong mamamayang Tsino ang nawalan ng kanilang tahanan; mahigit 35 milyong sibilyan at sundalong Tsino ang namatay at nasugatan; halos 7,000 sa 40 libong trabahador na Tsino na dinakip at ipinadala sa Hapon ang namatay sa bansang iyon; mahigit 33 milyong toneladang bakal at 580 milyong toneladang karbon ang ninakaw ng mga mapanalakay na Hapones.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>