|
||||||||
|
||
LUMAGO ang exports ng Pilipinas ng may 6.9% noong Mayo at nananatiling maganda ang inaasahang target para sa nalalabing bahagi ng taon.
Ayon sa National Economic and Development Authority, ibinalita ng Philippine Statistics Authority na ang kinita mula sa exports ay lumago at nakarating sa US$ 5.5 bilyon mula sa US$ 5.1 bilyon noong Mayo ng 2013. Kinatagpuan ito ng dagdag na 4.1%.
Hanggang ngaon, ang pangkalahatang exports ay tumaas ng 5.8% mula sa US$23.0 bilyon noong 2013 at naabot ang US$24.4 bilyon.
Mas maganda ang bentahan ng mga likas na yaman, manufactures, total agro-based at forest products na nagpalaki ng kaunlaransa merchandise exports ng may 6.9%. Ang revenues mula sa mineral products ay lumago ng 58.0% mula sa US$ 395.6 milyon noong Mayo ng 2013 at umabot sa US$ 625.0 milyon noong Mayo dahilan sa dagdag na shipment nito sa People's Republic of China, Japan at Switzerland.
Ang overseas sales ng manufactured goods ay lumago ng may 3.3% sa halagang US$4.2 bilyon noong Mayo ng 2014 mula sa US$ 4.1 bilyon noong Mayo ng 2013.
Ayon kay Deputy Director General Emmanuel Esguerra, ang mga prutas at gulay, mas maraming saging na ipinadala ng bansa sa Japan, People's Republic of China, South Korea, Kuwait at Iran. Ang pagbawi ng mga sagingan na napinsala ni Pablo noong Disyembre 2012 ang nagpatatag ng supplu conditions kaya't lumago ang exports.
Ang Japan ang nananatiling number one export market ng Pilipinas na nagkakahalaga ng US$ 1.12 bilyon o 20.4% ng total revenues mula sa merchandise exports para sa panahong nabanggit. Kasunod nito ang People's Republic of China na mayroong 17.5% share at ang Estados Unidos na nagkaroon ng 13.7% share.
Nasa ibang bansa si Kalihim Arsenio M. Balisacan mula noong Lunes hanggang sa araw ng Linggo, ika-13 ng Hulyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |