Idinaos ngayong araw sa Beijing ang Ika-5 Diyalogo ng Pagpapalitan ng Kultura ng Tsina at Amerika. Magkasamang nangulo sa diyalogong ito sina Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Ipinahayag ni Liu na ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa kultura ay mahalagang pundasyon para sa pagtatatag ng bagong estilo ng relasyon ng Tsina at Amerika. Dagdag pa niya, dapat igalang ng dalawang panig ang isa't isa at pasulungin ang pantay at aktuwal na kooperasyon.
Sumang-ayon si Kerry sa sinabi ni Liu hinggil sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa. Sinabi pa ni Kerry na umaasa rin ang Amerika na mapapasulong, kasama ng Tsina, ang aktuwal na partnerhip na may mutuwal na kapakinabangan.
Salin: Ernest