Isinapubliko kahapon ng Tsina at Amerika ang mga bunga ng kanilang katatapos na Ikaanim na Diyalogong Estratehiko.
Ang mga pangunahing nilalaman ng mga bunga ay kinabibilangan ng: pananatilihin ng mga lider ng Tsina at Amerika ang mahigpit at regular na pag-uugnayan, patuloy na isasagawa ng mga hukbo ng dalawang bansa ang pragmatikong diyalogo at kooperasyon, itatatag ang mekanismo ng pagbabahagi ng mga impromasyon hinggil sa malaking operasyong militar ng isa't isa, palalakasin ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo, palalakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at iba pa.
Nagkaisa rin ng palagay ang dalawang panig hinggil sa paglutas sa isyu ng Korean Peninsula, isyung nuklear ng Iran, at mga iba pang isyu.