Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming bunga ang natamo sa katatapos na Ikaanim na Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko, at Ikalimang Mataas na Pagsasanggunian sa People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika.
Sinabi ni Qin na sa pamamagitan ng naturang diyalogo at pagsasanggunian, muling tiniyak ng Tsina at Amerika ang pangkalahatang direksyon at mga target ng pagtatatag ng kanilang bagong tipo ng relasyon, at dinagdagan ng dalawang bansa ang pag-uunawaan. Ayon pa rin kay Qin, para sa mga umiiral na pagkakaiba at hidwaan ng Tsina at Amerika, buong tapat at malalimang nagpalitan ng palagay ang dalawang panig, at kapwa ipinahayag nilang dapat hawakan at kontrolin ang mga pagkakaiba at hidwaan sa pamamagitan ng maayos na paraan.