|
||||||||
|
||
NANINDIGAN si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mabuti ang kanilang layunin ng kanilang gamitin ang salaping natipid para sa mga proyektong pangkabuhayan. Isa umano sa kanyang nagawa ay ang pagpapatigil ng "continuing appropriations" sa pagkakaroon ng Disbursement Acceleration Program.
Nakatipid umano ang Department of Public Works and Highways ng may P 26 bilyon sa pag-aayos ng kanilang bidding at procurement systems.
Sa kanyang 30-minutong talumpati mula sa Palasyo Malacanang na dinaluhan ng kanyang mga opisyal, nanawagan si Pangulong Aquino na huwag na silang hadlangan pa ng Korte Suprema sa kanilang paglilingkod sa mga mahihirap tulad umano ng pagpapatubig at paglalagay ng mga kable ng kuryente sa kanayunan. Binanggit din niya na mahihirapan ang kanyang pamahalaan kung hihintayin pa ang buwan ng Disyembre sapagkat kung susundin ang lahat ng mga proseso, Marso o Abril na mapakikinabangan ng mga mamamayan ang "savings."
Niliwanag din ni Pangulong Aquino na magkakaroon sila ng Motion for Reconsideration upang magbago ang desisyon ng Korte Suprema.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |