Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

UN, kinondena ang persecution ng IS sa mga sibilyang Iraki

(GMT+08:00) 2014-07-21 15:14:40       CRI

"Alinmang pag-atake na nakatuon sa mga sibilyan dahil sa ethnic background at religious belief ay itinuturing na krimen laban sa sangkatauhan, at dapat nitong isabalikat ang katugong responsibilidad." Ito ang ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa isang pahayag na inilabas ng kanyang tagapagsalita bilang pagkondena sa pamimilit ng Islamic State(IS), isang ekstrimistang organisasyon sa Irak, sa mga Kristiyano na umalis mula sa kanilang lupang tinubuan.

Binigyang diin ni Ban, na ibat-ibang armadong grupo na kinabibilangan ng IS ay dapat tumalima sa makataong batas ng daigdig at may obligasyon silang pangalagaan ang kaligtasan ng mga sibilyang namumuhay sa lupang kanilang kinokontrol.

Ipinahayag din ni Ban na patuloy na palalakasin ng UN ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Irak para bigyan ng pangkagipitang tulong ang mga mamamayang Iraki, na kasalukuyang apektado ng sagupaan at bantang nagmumula sa mga grupong terorista.

Isang ultimatum ang idineklara kamakailan ng IS sa mga Kristiyano sa Mosul. Ayon sa ultimatum na ito, mayroong apat na pagpipilian ang mga Kristiyano bago ang ika-19 ng kasalukuyang buwan. Ang mga ito ay: pagbabayad ng buwis, pagpapalit ng pananampalataya, pagpatay at pag-alis sa kanilang tahanan. Kaya, tumakas sa Musol ang ilang daang pamilya ng mga Kristiyano.

May Kinalamang Babasahin
Iraq
v 12 kawal Iraqi, nasawi sa bomb attack 2014-07-05 14:32:27
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>