|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, sapul nang isagawa ng Biyetnam ang ilegal na paghadlang sa drilling platform ng Tsina sa Xisha Islands ng South China Sea noong nagdaang Mayo, at maganap ang karasahan sa naturang bansa na nakatuon sa mga Tsino, grabeng naapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa. Dulot nito, agarang bumaba ang bilang ng mga turistang Tsino sa Biyetnam.
Ayon sa awtoridad ng Biyetnam, noong isang buwan, halos 136 libo lamang ang bilang ng mga Chinese tourist sa Biyetnam, at ito ay mas mababa ng halos 30% kumpara sa nagdaang Mayo.
Ang tourism income ng Biyetnam ay katumbas ng 6% ng GDP ng bansang ito, at ang Tsina ay pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Biyetnam.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |