Nanawagan kahapon si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN sa Israel at Palestina na walang pasubali na itigil ang putukan sa lalong madaling panahon at simulan ang diyalogo.
Sa news briefing na idinaos niya at ni Sameh Shoukry, Ministrong Panlabas ng Ehipto sa Cairo, sinabi ni Ban na ang sagupaan ng Israel at Palestina na tumagal nang dalawang linggo ay nagdulot ng malaking kasuwalti ng mga sibilya, ito ay hindi katanggap-tanggap. Dapat agarang magsagawa ang iba't ibang panig ng aksyon para itigil ang karahasan at magkaloob ng ginhawa para sa makataong pagtulong. Hinimok din niyang sisimulan ang komprehensibong diyalogo ng Israel at Palestina pagkaraan ng tigil-putukan, at nang sa gayo'y, maiwasang maulit ng trahedya.
salin:wle